f
Hi
.
I AM Queenie|19|Asian.
I hate talkin' too much about myself so if you wanna know something about me, you're free to ask me thru my TA and I promise to hit back. :)
DISCLAIMER: Some of the quotes//photo(s) were not originally mine.
”ANAK KA NG TALAGA NG TATAY MO!”
“BABATO KO SAYO TONG HAWAK KO!”
“PAPUNTA KA PALANG PABALIK NA KO”
“MAKUHA KA SA TINGIN HA!”
“ANONG AKALA MO SAKIN? NAGTATAE NG PERA?”
“IPASOK MO YAN SA KOKOTE MO!”
“ABA SUMASAGOT KA NA?!”
“ANO AKALA MO SAKIN, KATULONG MO? LINISIN MO YAN!”
“PAG AKO NAMATAY KAWAWA KAYO! TANDAAN NIYO YAN!”
cliche ng nanay mo. Sawa ka na ba? Kung tutuusin nga kabisado mo na tong mga to e. Pero pag nawala siya di mo naman kaya.
Mother’s Day Special tong blog na to kaya naman binabati ko lahat ng ina niyo ng isang Happy Mother’s Day! Binati niyo na ba sila? Nag thank you na ka na ba sa pagluwal niya sayo sa mundong to? Sa pagpapalaki niya sayo? Sa pagtugon niya sa lahat ng luho at pangangailangan mo? O baka naman magkaaway nanaman kayo? E kung ganon, mag sorry ka na! Humingi ka ng tawad sa mga pinag-gagagawa mo na nagpasakit ng ulo niya. Stop for a minute, yakapin mo siya, halikan mo siya sa pisngi, bigyan mo siya ng regalo or whatever pa na maiisip mo na magpapagaan ng loob niya ngayong araw na to. Minsan lang naman e. Minsan nga mas maraming sakit sa ulo ang binigay mo sakanya e. Sige na, lakad na.
INA. MAMA. INANG. MAMANG. NANAY. MOMMY. Marami tayong tawag sakanila. Pero lahat sila pare-pareho: ilaw sila ng tahanan, mahal nila ang pamilya nila. Wala silang ibang kagustuhan kundi makita tayong masaya at nasa mabuting kalagayan kahit na nahihirapan na sila. Di sila nagrereklamo, dahil masaya silang makita na masaya din ang pamilya nila; lalo na ang mga anak nila. Sobra sobra ang sakit na dinanas nila simula pa lang ng iluwal nila tayo sa mundong to. Imagine, ikaw ba naman ang magdala ng isang bata diyan sa bahay bata mo ng siyam na buwan. Di biro yun. Lalo na yung araw ng kapanganakan. Parang masisiraan sila ng bait sa sakit sa panganganak. Pero di nila ininda yung ganung sakit, kasi mga mahal nila tayong mga anak nila, at masaya sila na naging anak nila tayo. Simula nung mga ‘baby’ pa tayo, intense yung pagaalaga nila satin. Ikaw ba naman humawak at maghugas ng pwet ng baby ilang beses sa isang araw, magpa-dede, at kumarga ng baby buong araw, tingnan natin kung di ka mapagod. Pero di sila nagrereklamo. Masaya na silang makita na natutulog tayo ng mahimbing at nakangiti tayo. Hanggang sa lumaki tayo, andiyan sila para satin. Araw-araw sinisigurado nilang nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, may mga merienda pa in between. Nakakatuwa pa nga, gusto ng mga nanay natin, ibigay lahat ng best na mabibigay nila satin. Halimbawa na lang, sa mall. Naggagala kayo. Tapos may nakita tayong laruan, edi siyempre magmumukmok na tayo hangga’t di natin nabibili yun. Tapos pag di nabili ng nanay magwawala tayo. Di natin alam kung gano kasakit sa isang ina na makita tayong nagkakaganun. Ang nasa loob natin, “Ang bad mo, ma! Yun lang pinapabili ko” when in fact gustong gusto tayong ibili ng nanay natin nun.
FULL TIME ANG TRABAHO NG ISANG INA. Lagi pa ngang over time e. Lahat ng pwedeng maging sila naging sila na, naging teacher na, police na, artista, clown, atbp para lang yun sa pamilya nila. Minsan dakilang chef at katulong pa nga ng sariling pamilya nila e. Aminin mo minsan sa kabataan mo inisip mo na super hero ang nanay mo. Kasi pag may nakakaaway ka sa school, magsusumbong ka sa nanay mo at agad siyang pupunta dun para pagalitan yung nangaway sayo. Sa kapitbahay niyo na nga lang e, pag dinaya ka ng kalaro mo sa larong patintero o taya-tayaan susugod pa nanay mo pag umuwi kang umiiyak. Pag gising niya sa umaga maghahanda na siya ng kakainin niyo at ibabaon mo sa school. Nung kinder ka hanggang grade one ka siya pa nagpapaligo sayo, nagbibihis, nagsusuklay at nagaayos ng gamit mo para sa school. Minsan siya pa nga gumagawa ng assignment mo samantalang ikaw nasa labas lang ng bahay niyo nakikipaglaro. Tapos ihahatid ka na niya sa school. Ikaw naman, bago pa sa paaralan, ayaw mo pang magpa iwan, kaya gagawin ng nanay mo, babantayan ka, dun siya sa labas ng bintana at ikaw nasa classroom. Minsan di ka mapakali kasi baka gawin ng nanay mo yung ginagawa ng ibang nanay ng kaklase mo: pag di na sila nakatingin, tumatakas na. Kaya minsan wala ka sa focus sa dinadakdak ng teacher mo. Araw araw nung kinder at grade 1 ka ganto ang mga pangyayari. Hanga ka no? Di kasi siya nagsasawa kahit marami pa siyang naiwang gawain sa bahay niyo. Magluluto pa siya ng tanghalian pero ano? Binabantayan ka niya sa school niyo kasi baka umiyak ka. Tapos eto na, palaki ka na ng palaki. Elementary, nakipagsuntukan ka, nakipagsabunutan ka, tatawagin nanay mo makikipag huntahan din sa nanay ng nakaaway mo - Graduation, nandiyan din siya. Proud na proud pang umakyat ng stage. Tapos High School, nakipagsuntukan ka, ppnakipagsabunutan ka, tinawag nanaman nanay mo sa guidance. O sige, gawin naman nating maganda yung dahilan ng pagpunta ng nanay mo sa school: Naging representative ka ng school niyo sa mga competition, naging top notcher ka, atbp. Tapos Graduation - nandiyan din siya. Proud na proud padin sayo dahil nakatapos ka. Maghahanda pa yan! Kahit pansit, ok na. Masaya siya e. Pero habang lumalaki ka, di mo narerealize bilang isang anak kung ano ang mga pagkakamaling nagawa mo na nakasakit sakanya. Wala kang pakielam. Minsan nga pagsabihan ka pa niya ikaw pa ang magagalit e. Sasabihin mo kj siya. Di mo alam kaya niya ginagawa yun kasi nga, mahal ka niya. Kaya ka niya pinapalo kasi nga mahal ka niya. Kaya ka nilalatayan ng sintron kasi nga mahal ka niya. Nakikita niya na di na maganda para sayo yung ginagawa mo kaya pinipigilan na niya. Pero never nating narealize yun. Oo, inaamin ko, sa tanda kong to, hindi ko pa din naiisip yun bilang isang anak. Pero yun yung dapat na sinasaksak natin sa utak natin bilang mga anak nila. Nakakapagtaka lang kasi cliche na siya pero di padin natin magawang isaksak sa utak natin.
Sa 19th year of existence ko dito sa planet Earth, may mga pangyayari din samin ng nanay ko na never kong makakalimutan. Nakakatuwa, nakakainis, nakakatouch. Pinaka unang pumapasok sa isip ko pag ganto yung mga inaalala ko, yung recognition ko nung grade 3. Honor ako, ayos. Aakyat ako sa stage, sasabitan ako ng nanay ko ng medal. Makikita ng mga classmate ko nandun nanay ko. Okay, here comes the big day. Ganda ng damit ko, ganda ng make up ko, ganda ko at ang ganda ng nanay ko. Pero pinauna na niya ko sa school. Sabi niya may dadaanan pa siya. Edi sige, kasama ko mga pinsan ko. Tinawag na ni Mrs. Flores yung mga honor, sa harap daw kami uupo. Malapit na magsimula. Hinahanap ko yung nanay ko pero wala padin siya. Tinanong na ko ng adviser namin pero sinabi ko may dadaanan lang po siya. Nagsimula na. Nagsimula sa pag award sa mga grade 1. Nagsimula na kong mataranta, sa awa ng katabi ko, pinahiram niya nalang sakin nanay niya. Siya na lang daw magsasabit sakin. Grade 2 na. Wala pa din si Mama. Grade 3 na. Top 7 na yung tinawag nung nakita ko yung nanay ko na tumatakbo palapit sakin, may dalang sobrang laking box na nakabalot sa gift wrapper. Top 3 na! Ako yun! aakyat na kami ng nanay ko sa stage! Ayun nga, sinabitan ako ng nanay ko. Pagupo namin sa upuan, tinanong ko siya kung saan siya galing. Sabi niya sa Puregold Tayuman. For your information, sa Navotas kami nakatira nung mga panahong yon. At sabi niya, para sakin daw yung malaking box na dala niya. Pag uwi namin sa bahay, binuksan ko kaagad! Ang ganda! Isang baby na manika na may mga gamit at damit pa! Na-realize ko na yun yung laruan na iniyakan ko nung pumunta kami ng Tayuman! Binili ni Mama! Sobrang saya ko talaga nun. Ayan yung picture. Ang nene ko pa, at ayun din yung regalo niya! :)

Pero habang tumatanda tayo, narerealize din natin na sa lahat ng pwedeng maging best friend natin, nanay padin natin ang the best. Kung magiging open lang tayo sa kanila, kung lahat ng mga saloobin mo sasabihin mo sakanya, siya na ang tropa mong the best magbigay ng advice. Ika nga naman, papunta pa lang tayo, sila pabalik na. Alam nila kung ano ang mga gagawin sa mga sitwasyon na kakaharapin natin. Isa pa, communcation lang naman talaga ang kailangan para magkaroon kayo ng harmonious relationship ng ina mo e. Wala naman sigurong masama kung susubukan mong maging open sa nanay mo diba?
Kaya ano pang hinihintay mo? batiin mo na nanay mo. Yakapin mo siya. Dalawang salita lang naman e, “Sorry” at “Salamat”. Alam na niya kung anong ibig sabihin nun. Di naman mahirap diba? Napasaya mo pa siya. :)
(Source: letterstoyourpride)
“yung tungkol sa pag bf/gf. ang isang relasyon kahit may love pero walang communication di magsusurvive tandaan mo yan. communication ang key para sa successful na relationship. ngyon kung panay love lang pero walang pakikipag communicate ung ung relationship na di pangmatagalan. bata ka pa enjoy mo lang life. dadating at dadating yung taong para sayo.”
-Camille Muega Poniente
(Source: letterstoyourpride)